Questions? +1 (202) 335-3939 Login
Trusted News Since 1995
A service for global professionals · Thursday, March 6, 2025 · 791,639,223 Articles · 3+ Million Readers

Press conference of Senator Win Gatchalian with Senate media

PHILIPPINES, March 5 - Press Release
March 5, 2025

PRESS CONFERENCE OF SENATOR WIN GATCHALIAN WITH SENATE MEDIA

Q: Kahapon may in-admit po yung BI na yung tatlong Pogo boss na supposedly dapat i-report sa China hindi nila alam kung supposedly dapat i-deport sa China, hindi nila alam kung nakapunta ba sa China and binanggit ni Senator Risa, hindi talaga nakarating sa China. And meron pang iba apparently na mga POGO personnel na ganoon din, yan ang nangyari kasi pinayagan nila na merong layover.

SEN WIN: Ito siguro yung ilan sa mga unique instances na makakatrabaho natin ang Chinese Embassy at of course ang Chinese Government. Dahil yung ganitong pang-deportation, importante na sinasalo nila doon at may mga awtoridad, Chinese authorities, na sasalubong dito sa mga Pogo bosses.

Q: Sabi ng BI ang bumibili ng ticket, tinatanong kung gusto nila sila ang bumili ng ticket kasi wala raw silang budget.

SEN WIN: Meron.

Q: Yung mga deportees ang tinatanong kung gusto nila bumili ng ticket.

SEN. WIN: Pero common sense eh. Dapat hindi nilang payagan may layover. Hindi ata tama yan...Nasabi ko lang kanina na ito siguro yung mga unique instances na makakatrabaho natin ang Chinese Embassy at Chinese Government dahil importante na may coordination sa kanila at mayroong sumasalo sa China pagdating ng mga deportees. Lalo na itong mga ito ay connected sa illegal gambling at napakahigpit ang batas ng China pagdating sa illegal gambling. Kulong kaagad in most cases. At alam ko, dahil dito sa Pogo, naghigpit sila ng mga batas nila 2-3 years ago, na meron ka lang connection, o meron lang participation, or even nagtatrabaho ka lang sa mga gaming facilities, makukulong ka kaagad. Dahil nga illegal ang gaming sa China. So, ang importante dito may coordination, dahil pagdating nila doon, doon naman sila ma-prosecute at doon sila makukulong.

Q: Sir, yung China hindi naman ganun kalayo sa Pilipinas. Binabanggit po kahapon ni Sen. Risa , diba dapat baguhin na yung policy na yan.

SEN. WIN: Well common sense kasi kung ang point of entry nila ay Shanghai dapat an hour and a half, straight flight. Hinid ganun kalayo. Kapag Beijing mga 3 and a half hours so hindi naman ganun kalayo. So pwede talagang straight flight yan. Hindi na kailangan ng layover. Dahil yung mga eroplano natin at yung mga regional airlines, meron naman ganyan na mga eroplano na dapat straight flight. Kaya common sense will dictate na bibilhin niyong ticket whether it's the Chinese embassy or the Philippines, dapat straight flight yung kunin nila. At sa pagkaalam ko, may mga instances rin na ang Chinese embassy ang nagbayad ng mga ticket. Dahil nga itong mga ito may kaso na sa China, hinahabol nila at dito natin nahuhuli.

Q: Wala daw budget ang BI para sa deportation. Kaya, yung mga na-arresto nila, yun yung kausap nila para bumili ng tiket nila.

SEN WIN: Unang-unang, may budget sila sa pang-deportation at, pangalawa, on-going itong Pogo raids at mga Pogo raids natin, tuloy-tuloy naman yan. Kaya yung pagbibigay ng budget sa BI, sa PAOCC, in fact, tinaasan pa nga yung budget nila dahil nga dito sa Pogo. So meron silang budget sa pag-deport. Pero hindi tama na ang magbabayad yung i-dedeport yung mga deportees. Dahil sila nga yung nahuli natin, sila yung mga may sala, pero sila pa yung bibili ng ticket para makaalis sa atin dito. Obviously, gagawa sila ng paraan para makatakas. Kung nangyari nga yung stopover at hindi sila nahuli, kasalanan natin yan at parang kabobohan natin yan kung pinayagan natin na bumaba sila doon at tumakas. Dahil ang tendency talaga tatakas at tatakas sila. Kaya hindi natin pwedeng, gumawa sila ng paraan para makatakas. Q: Other topic, yung kay Alice Guo, lumabas din sa hearing kahapon ni Sen Risa na until now yung BI, wala silang complete information paano siya nakalabas ng bansa. Until now, sir, eh, antagal na nung instance.

SEN WIN: Correct. Ang only story kasi natin ay yung story ni Sheila Guo, story ni Guo Hua Ping, at story ni Cassandra Ong. Yun lang yung meron tayong hawak ngayon. But story nila yun. At nakakadismaya na hanggang ngayon, walang official report ang Bureau of Immigration and yung mga enforcement agencies na rin natin. Dahil para tayong ginagawang walang alam. Dahil hindi natin ma-validate yung kanilang mga istorya. Meron kasing isang stamp doon sa passport na hanggang ngayon hindi ma-validate kung paano. Yun yung Kuala Lumpur entry na point out yun in many of the hearings. Hanggang ngayon hindi malaman kung paano nagkaroon ng Kuala Lumpur point of entry. Halos mag-iisang taon na lumabas yung point of entry na yun. Ang suggestion ko sa BI, mag-network sila doon sa kanilang counterpart para malaman kung official yung stamp na yun, o peke yung stamp na yun, kung official, kailan siya dumating at anong airline. Q: Sir, sabi ng BI, sumulat na sila sa counterpart nila sa ibang bansa kung saan sinasabi nag-arrived yung mga Guos. Pero until now doon kasi walang reply.

SEN WIN: Ang hina naman nila, Kuala Lumpur lang naman to. Sana puntahan na lang nila kausapin yung counterpart at i-validate nila doon. Kasi parang ginagawa tayo nitong mga ito na walang kaalam-alam. At pinapakita natin, wala tayong kakayahan. Yun lang ang actually sa pag-aanalisa, yun yung pinaka-questionable kung paano nagkaroon ng stamp nang hindi natin alam kung airline ba siya o nagbarko ba siya. Hindi natin alam kung airline ba siya o nagbarko ba siya. Hindi natin alam. But I think that is the missing link. Pag nalaman natin yan ay official or unofficial at kung paano siya dumating, madudugtong-dugtong na natin yun.

Q: Sir, kahapon ang warning na ni Sen. Risa ultimatum sa BI, within 15 days kailangan makapaglabas na lang kumpletong impormasyon para nakalabas yung mga Guo. Kung wala, mag-recommend si Sen. Risa sa committee report ng revamp sa buong BI, starting with Commissioner. You think tama po?

SEN WIN: Well, I support that. Dahil importante nga na maipakita ng BI na may kakayahan sila at mayroon silang initiative para malaman itong issue na ito at ano yung katotohanan. Again, yung stamp na yun, I think for me, is the missing piece. Kung ma-solve natin yun, madudugtong-dugtong na natin yan. Kasi kung peke yun, and obviously yung kwento niya, peke. But I leave that to the BI to investigate. And I support Senator Risa's call. Kung hindi nila mapakita, then ang pinapakita nila sa atin, yung kanilang kahinaan at walang inisiyatibo.

Q: Sir, balik ko lang po doon sa three Pogo bosses na nakataka sa layover. So what do you make of that? Sabi ng BI nga na sila yung bumili ng ticket nila, so binili siyempre yung may layover, nakawala na sila.

SEN WIN: Actually, katangahan yan on our part dahil Pogo bosses yan, may mga pera yan, may mga connection yan. I'm sure, alam rin nila kung...alam nila kung paano gumala. At, na-prove na natin yan dun sa pagtakas ni Alice Guo na kaya niyang lumipat sa iba't ibang lugar at may connection sila, may sumasalo habang gumagalaw siya. So, I think common sense na itong mga POGO boses na may pera, mayroong connection, mayroon silang kakayahan na tumakas. Kaya hindi, first place hindi natin pinayagan na sila bumili ng ticket. At dapat sinigurado natin na inform yung Chinese counterpart, siguraduhin na pagdating doon, makukulong. Dahil may mga nakita akong pictures sa mga ibang dineport natin. Pagdating doon, naka-handcuffs eh. Diretso sila sa kulungan. So dapat ganun ito. Bakit hindi nila ginawa?

Q: Ang katwiran nila kahapon, kasi daw hindi declared ng Chinese government na fugitive. So ang kanila lang objective is isakay sila sa eroplano at makaalis ng paalis.

SEN WIN: Pero hindi rin, again, katangahan yung bibili ng ticket yung deportees. Ngayon lang ako nakarinig na ako yung gusto mong i-deport, ako yung bibili ng ticket ko, at ako yung bahala na kung saan ako pupunta. Parang hindi tama yun.

Q: So katangahan at kabobohan ng immigration at ganoon lang yun? Mangmang sila or possible na merong corruption?

SEN WIN: That's why, kaya hindi mo rin maaalis na baka mayroong usapan ito sa loob. Kasi ako, first time ko, as far as I know, first time ko narinig na yung idedeport ang bibili ng ticket. Dineport ka dahil mayroong kang nilabag na batas dito sa atin. Whether it's an immigration law or some other law. At importante rin, dahil ito ay POGO at alam natin na illegal yan sa China, importante na may coordination tayo sa Chinese authorities para pagdating nila doon, kaagad maaresto sila. Pero kung nakataka sila at mga bosses pa yan, hindi natin maalis sa isipan natin na may sabwatan yan nangyari sa loob.

Q: So making the matter worse, sir, ano pa? Yung tatlo, part siya nung 438 na round-up. Pero sila inuna na i-deport?

SEN WIN: Oo nga. Baka hindi mo maalis sa isipan natin na nagkaroon yan sabwatan sa loob. We should further investigate this matter. Dahil, again, tatawanan tayo ng buong mundo kung pinapayagan natin itong mga deportees na bibili ng kanilang ticket. Parang nagbakasyon lang sila eh, ang nangyari.

Q: Kasi ang immigration is under naman ng DOJ. Should the DOJ investigate?

SEN WIN: Yes. And I'm sure ang DOJ is taking note of this. Dapat imbestigahan nila ito at imbestigahan rin ni BI Commissioner dahil nakakahiya para sa kanila na nakatakas yung tatlong bosses.

Q: Binanggit din ni yung intelligence chief ng BI sinasabi niya, sila yun ang initiate ng dialogue. Ang exact word niya, yung na ginamit niya, nag-initiate kami ng dialogue with the deportees. Ano ba yan? Wala po kayong nakikita doon na something suspicious or even sinister with the action of the immigration?

SEN. WIN: Hindi natin maalis sa ating isipan itong mga Pogo bosses, may mga connection rin sila. Alam rin nila gumalaw. If you remember, during that time, nung may nahuli sa Clark na halos libo na illegal na mga Chinese na nagtatrabaho doon, nakatakas rin sila, lahat sila. If you remember that, yung si Argoncillo at yung isa pang kasamahan niya. So hindi iba yung korapsyon sa loob ng Bureau of Immigration, naririnig natin yan. At nangyayari rin yan, nangyayari na nga before. So ang pinakamahalaga ngayon ay imbestigahan yung dapat managot, eh dapat managot at itong mga ganitong instances parang out of common sense. Hindi siya normal na ginagawa na sila bibili ng ticket Kakausapin mo pa, saan ba gustong pumunta, hindi normal eh. So, and to think that Pogo is a high-profile incident in our country, so lalo dapat nilang higpitan yan.

Q: Could there be an audit of all deportees na supposedly dapat wala na sa Pilipinas? Kasi may binanggit po ka nga po si Sen Risa na the danger with that, baka hindi natin alam nakabalik din sila sa Pilipinas.

SEN WIN: Well ang pag-alis nila, importante, kasi ang border control natin, Bureau of Immigration. So sila rin mismo ang sasala nito. So I hope walang sindikato sa loob na papayagan rin itong papasukin dito sa atin. Kasi nangyari na rin yan in the past. Yung case in point yan will be yung naimbestigahan ni Senator Risa, yung pastillas scam. So, I hope, yung sindikato na yan ay nabuwag na at wala nang ganyan na sindikato sa loob ng BI.

Q: Dapat ba i-check kung ilang ganyan yung bilang ng deportees na ganyan din may layover tapos biglang nawawala? Dapat ba i-report ng immigration?

SEN WIN: Yeah, I think after this incident, we should urge the BI to be transparent sa lahat ng kanilang mga deportees. We should mandate them to report to us kung ano ba yung nangyari dito sa deportation activities nila, itong recent incident is parang eye opener na pati deportation proceedings merong problema o merong nangyayaring hindi maganda. So imamandato natin na mag-report sila sa atin. I think a resolution can trigger that but itong naumpisahang investigation can also be a venue para mag-report sila dito.

Q: May binanggit kayo na, di ba may naraid na luxury cars ang Bureau of Customs, may binanggit kayo na sa first trade owned by POGO bosses?

SEN WIN: Yeah may mga nakausap akong car dealers itong weekend. At ang sabi nila sa akin, itong mga high-end cars, mga nabili ng mga POGO Bosses during the hype of Pogos dito sa atin. Kung matatandaan ninyo, may merong na-raid rin sa Alabang, dalawang Bugatti. Yun, confirmed yun na Pogo ang may-ari nun. Mga Pogo bosses rin. So, ganung kayaman sila na pwedeng bumili ng sasakyan na nagkakahalaga na 40 million, 50 million. At ang nakakapagtaka, sinong nagpapasok nitong mga sasakyan dito? I'm sure hindi sila yun. I'm sure merong kausap yan sa customs, kausap yan sa LTO para ipasok dito sa ating bansa. Dahil walang papeles eh, ni OR CR, wala silang mapakita. But mga narinig ko rin, mga Pogo bosses rin ang nag-finance para maipasok itong mga sasakyan.

Q: Para saan yung pagpapasok na rin ng sasakyan, just to flaunt?

SEN WIN: Just to flaunt. If you notice, yung pagkakaugali nila, mahilig silang magyabang. Merong backup, ang dami-daming bodyguards, meron pang at the height, meron pang hagad. So they like to flaunt their wealth. I think part yan ang packaging nila dito sa Pilipinas, marami kaming kaibigan, high flyer kami. Part rin yan ng industriya nila na magyabang.

Q: Sir, ano pa yung ibang circumstances na nila sila yung may-ari? So tama ba yung first raid?

SEN WIN: First Raid, oo. Yung first raid kasi nagkakahalaga almost 1 billion pesos yun, parang sa Pasay. And then, dami talagang luxury cars. May mga Lamborghini, may Bugatti rin na nakita doon. So, nag-file ako ng resolution and we'll conduct a hearing on that. Ang angulo ko naman is of course yung taxation portion because kung pinasok yan ng walang papeles, wala rin excise tax na binayaran sa atin. So, malaking tax leakage yan para sa atin.

Q: So, ito'y sabihin, pero nandito rin sila, nasaam na may-ari sir? Yung mga POGO Boss na may-ari?

SEN WIN: Sa mga information ko, yung mga kausap pong car dealers, mga iba, marami tumakas na. Maraming tumakas na. Apparently kasi yung pagbili nila dyan since hindi naman sila nagbayad ng buwis, mababa yung kanilang pagpasok dito. Yun ang information ko.

Q: Pinabibenta na nila.

SEN WIN: Pinabibenta na nila. Pero complicated yan i-rehistro. Kung sino man bibili nyan, magiging problema yung pag-re-rehistro. So, tingin ko, baka meron rin kausap sa LTO para marehistro yung mga sasakyan.

Q: And possible ba, sir, na pinasok nila not just to flaunt, but gamitin panuhol?

SEN WIN: Possible. Possible rin yan. Although, wala akong information about that, but possible.

Q: Or to launder.

SEN WIN: Possible rin yan. Although, mga sasakyan, yung value is not as big as yung paglo-launder. Pero possible rin yan.

Q: Balik lang kay Guo Hua Ping. Bakit mahalagang malaman officially kung paano sila nakatakas?

SEN WIN: Well, yan yung isang weakness sa system natin. For example, isa sa mga weaknesses ng system natin, yung late birth certificate process. Hanggang ngayon, actually, hindi pa siya naaayos. Nahigpitan ng PSA, pero yung batas para talagang takpan yung mga butas sa late registration natin, hindi pa naipapasa. I think that should be a priority measure. Hanggat hindi mapasa yung batas na yun, ano tayo eh, vulnerable tayo sa mga dayuhan na gusto maging Filipino by virtue of the late registration process. Pero isa sa mga gaps rin natin ay yung Bureau of Immigration at yung pagtakas. So importante malaman yan dahil maraming tumatakas na hindi natin alam paano tumakas. Case in point ay si Atty. Harry Roque. So hindi pwedeng gagawa ka ng krimen dito at napakadaling tumakas. We need to know our vulnerabilities. Saan ba tayo mahina para matakpan natin yun?

Q: Resolution will you file that urging BI to report on...

SEN WIN: Yeah, I'll file that. Pwede natin file.

Q: May timeline sir?

SEN WIN: Next week, early next week.

Q: Sir, impeachment. Sir, are you in favor of having an all-member caucus para pag-usapan yung impeachment process?

SEN WIN: Ako, in favor ako dyan. Like all discussion, whether it's a bill, it's a resolution, or something concerning the Senate, magandang pag-uusapan yan. Dahil lahat naman ng decision and power comes from plenary. And when you say plenary, members ang nagde-decide n'yan. So, in favor ako na magkaroon ng all-senators' caucus. But ako, on my own, I texted and talked to SP Chiz. At sinabi ko sa kanya, I support his stand. Ako, tinignan ko kasi mga past records. Tinignan ko yung impeachment case ni former President Erap, Ombudsman Gutierrez at si CJ Corona. All of those impeachment cases, nung trinansmit dito yung articles of impeachment, binasa on the floor. And that's the procedure. And that is the precedent. So, dapat basahin sa floor para formally mainform yung body. Dahil kung hindi formally ma-inform yung body, hindi alam ng Senate members formally. In fact, ang only document na hawak-hawak ngayon ng Senado ay yung transmission ng articles of impeachment. But as to informing the Senators formally, wala pang nangyayaring ganyan na action. But because nga yung timing was off, binigay sa atin last day of the session day and a few hours na lang before adjournment, hindi na nabasa on the floor. So kung nabasa yan on the floor, then the process will start.

Q: So you agree sir with the timeline?

SEN WIN: I agree with the timeline. I texted the SP Chiz about that. I communicated, suggersted and gave him my thoughts at kung ano yung mga naisip ko pang dapat gawin. Pero largely, I agree with his position.

Q: Yung caucus nabanggit nyo sa kanya?

SEN WIN: Yung caucus hindi pa. Hindi ko pa nababanggit sa kanya. Pero open ako kung magpapatawag ng caucus.

Q: Sir, paano dapat tugunin ng Senate yung mga signature drive, yung mga panawagan for you to start ASAP?

SEN WIN: Yeah, but we have a process to follow and the process is; there should be a session and in that session, the articles of impeachment will be read on the floor to inform the body formally. And that has been the precedent for the last three impeachment cases. And from there, we can convene the impeachment court. Ang nagiging complication ngayon is wala tayong session.

Powered by EIN Presswire

Distribution channels:

Legal Disclaimer:

EIN Presswire provides this news content "as is" without warranty of any kind. We do not accept any responsibility or liability for the accuracy, content, images, videos, licenses, completeness, legality, or reliability of the information contained in this article. If you have any complaints or copyright issues related to this article, kindly contact the author above.

Submit your press release